Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2017

"Peminismo", isang sanaysay

“PEMINISMO”             Nabuhay tayong pantay-pantay. Hanggang ang ating kasarian ay nagsilbing dibisyon sa’ting mga tao. Ang Peminismo ay ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at pribilehiyo ng parehong kasarian. Bakit nga ba tayo nanghihingi ng kalayaan? Ang kalayaan ay isang karapatan at hindi isang pribilehiyo.             Nagsimula ito noong wala pa tayong kamalayan sa ating mundong gingalawan. Lumaki akong tinuruang ang bughaw ay para sa mga kalalakihan at ang kulay rosas naman ay para sa mga kababaihan. Ang pag-ak ng isang lalaki ay sumisimbolo ng kahinaan. Oo, inaamin ko na nalason na rin ang aking isipan sa mentalidad na ang pagiging taliwas sa iyong sariling ksarian ay isang insulto. Pagod na ako sa ganitong lipunan at hindi ko na kaya pang tumira sa isang lugar kung saan ang iyong kasarian ay magbibigay sa’yo ng kaantasan mo sa buhay. Isang malaking halimbaw...

"8613 Milya", isang maikling kwento ng tunay at wagas na pagmamahalan

“8613 MILYA” Nagmamadaling tumatakbo ang masayahing batang babae na ang pangalan ay Ahryan. “Gusto ko ng kendi!” sabi niya sa kaniyang nanay. “Sige, bumili ka na sa tindahan.” Dali-daling tumakbo si Ahryan sa pananabik sa kaniyang paboritong kendi. Ang kabog ng dibdib niya nang makita niyang iisa na lamang ito at mayroon na’ng batang lalaking papalapit sa tindahan. Nag-unahan sila at tila nag-away pa para sa kanilang paboritong kendi. “Ako ang nauna!” sabi ni Ahryan. “Hindi, kita mo naming ako ang mas nauna!” sabi ng batang lalaki. Hindi maintindihan ng lalaki ang kaniyang biglang naramdaman. Parang tumigil ang pag-ikot ng kaniyang mundo. nang makita niya ang mga mata ni Ahryan. Umiyak si Ahryan dahil nabili na ng lalaki ang kendi. Maya-maya ay lumapit ang batang lalaki sa kinauupuan ni Ahryan. “Ako nga pala si Bryan.” sabi niya habang binibigay ang kendi. Nagkakilala sila at nagging magkaibigan. Madalas na silang magbisikleta at maglaro araw-araw. Sabay sila laging bumili ng kan...

"Kulay", isang malayang tula tungkol sa Pilipinas

“KULAY” Iwagayway ng mataas! Bayanihan hanggang wakas Pagsasamang tumatagal Mga bayaning marangal Taas noo at respeto Ito ang bayang minamahal ko Kapayapaan sa bughaw Kabutihang umaapaw Mayaman sa kultura Sa bayani’y pinagpala Simbolo ng katarungan Kanilang ipinaglaban Ang pula’y sa kagitingan Tapang ng kakalkihan Lakas ng kababaihan Ay aking hinahangaan Nakaraan nati’y yaman Halina’t ating ingatan Kadalisayan sa puti Katangiang Pilipino Ay ang nagmumukod tangi Ang kalinisan ng puso Ay hindi maitatanggi Ito’y mga Pilipino Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

"Litrato", isang tugmang tula tungkol sa kalikasan

“LITRATO” Nakikita mo ba ang ating paligid? May sariwang hangin sa bawat pag-ihip Walang makikitang kalat san mang gilid Mananatili lang itong kathang-isip Ang nakalipas na magandang pagtrati Makikita na lang ba sa mga litrato? Sinayang bawat segundo at minute May pag-asa bang mga tao’y matuto? Sa bawat umagang puno ng pag-asa Sabay-sabay sumakaw sa isang balsa Nagbabakasakaling kayang suungin Along pagkakamali’y papatawarin Pagmasdan mo naman ang ating paligid Malalampasan ang lahat ng balakid Tanaw pa rin ang malinis nating bukid Disipilina ang laging umaaligid ‘Di matatapos dito ang magandang pagtrato Sa mga aral na ito ay napagtanto Pangakong makikita mong muli ito Sa mga susunod at magandang litrato Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

"Isang Libo", isang tugmang tula tungkol sa isyung panlipunan

“ISANG LIBO” Totoy, ika’y mag-ingat sa bansang ito Mga inosenteng nadadamay sa gulo Nene, ‘wag kang magpagabi sa daan Sayo ay walang hustisyang nakalaan Isang lipunang biro ang panghahalay Walang konsiderasyon sa pagpatay Nasa pagdodroga lahat ng atensyon Sa pagkatao mo ay walang pagtugon Naaalala mo pa ba ang kahapon? Noong kaligtasan mo pa ang inuuna Walang awing mga bangkay na binaon Baka nga’y magaling lang ‘to sa una Sino mag-aakala sa isang libi Mababayaran na ang pagkatao mo Kaya ba at ganun na lang ang pagtrato? Kinakailangan pa ba nating magtago? Totoy, pasensya ka na sa bansang ito Konting oras pa sana ang ibigay mo Nene, maniwala ka lang sa daan mo Dahil may hustisya na darating sa’yo Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

"Ang Nag-iisa", isang tugmang tula tungkol sa pangarap

“ANG NAG-IISA” Isang araw ay mayroong nag-iisa Tila nawawalan na siya ng pag-asa Kaya nakipagsundo sita kay bathala Susugal ang lahat, matupad lang sana Dagat ng kabiguan ay lalanguyin Bundok ng pagsisikap ay aakyatin Gubat ng pagdududa ay susuungin Anumang unos ay 'di iintindihin Buong pusong tinanggap ng nag-iisa Hinarap niya lahat ng hamon sa kaniya At sa pagtatapos ng kaniyang karera Sa wakas, ang nag-iisa'y naniwala Matapos niyang magawa ang kasunduan Kasa-kasama na rin niya ang tagumpay Unti-unting nasanay sa kasiyahan Pagsapit ng kalugmuka'y 'di na sanay Ilang ikot na ang kamay ng orasan Humihigpit nanaman ang mga kadena Humiling ulit ng isang kasunduan Ang naniniwala'y muling nag-iisa At lalanguyin muli ang karagatan Aakyatin nanaman ang kabundukan Susuungin pa rin ang mga kagubatan Para sa tagumpay, kaniyang tatapangan Tapos na ang laban, ngayo’y mas malakas Lahat haharapin, gano man kabigat M...

"A BA KA DA", isang malayang tula patungkol sa sarili ng may-akda

“A BA KA DA” A Ba Ka Da Isang alpabetong 'di na kinikilala Ba't 'di na tinuturo sa eskwela? Eskwela Aral, daldal, pakikipagkaibigan, Ingay, walwal Paulit-ulit, araw-araw sa kawalan Ilang kabataang masaya sa bawal A Ba Ka Da Anong nangyari sa eskwela? Aking pagkataong parang mga pirasong kailangang buuin Paniniwalang parang bugtong na mahirap sagutin A, Araw na ang dumating kung saan ipinakilala ka ulit sa'kin Ba, Bakit nga ba parang hindi patas ang tadhana? Ka, Kasi kung sino pa ang nagsusumikap ay minsa'y siya pa ang 'yong 'di binibiyayaan Da, Dami na ring pasubok ang aking dinaanan pero A, Alam ko kailangan lamang namin ng liwanag mo Ba, Basta't nandiyan ka panatag ako Ka, Kahit na naligaw ako ay natagpuan ko muli ang sarili ko Da, Dahil sa kabutihan mo ah naligtas ako Eskwela Aral, daldal, pakikipagkaibigan, ingay, walwal Wala na'ng daldal, ingay, walwal Napalitan na 'to ng aral, pak...