"Peminismo", isang sanaysay

“PEMINISMO”

            Nabuhay tayong pantay-pantay. Hanggang ang ating kasarian ay nagsilbing dibisyon sa’ting mga tao. Ang Peminismo ay ang pagkakaroon ng pantay na karapatan at pribilehiyo ng parehong kasarian. Bakit nga ba tayo nanghihingi ng kalayaan? Ang kalayaan ay isang karapatan at hindi isang pribilehiyo.

            Nagsimula ito noong wala pa tayong kamalayan sa ating mundong gingalawan. Lumaki akong tinuruang ang bughaw ay para sa mga kalalakihan at ang kulay rosas naman ay para sa mga kababaihan. Ang pag-ak ng isang lalaki ay sumisimbolo ng kahinaan. Oo, inaamin ko na nalason na rin ang aking isipan sa mentalidad na ang pagiging taliwas sa iyong sariling ksarian ay isang insulto. Pagod na ako sa ganitong lipunan at hindi ko na kaya pang tumira sa isang lugar kung saan ang iyong kasarian ay magbibigay sa’yo ng kaantasan mo sa buhay. Isang malaking halimbawa nito ay sa Saudi Arabia, hindi pinahihintulutang magmaneho ng anumang sasakyan ang mga kababaihan. Ang mga kababaihan rin ang bumubuo sa dalawa sa tatlong mga matatandang hindi nakapag-aral. Marami ang karapatan ng mga babae ngunit ito ay nalilimitahan at hindi nakikilala dahil sa kakulangan sa edukasyon. Sa panahon ngayon, masaya akong makitang mainit ang pagtanggap ng lipunan sa “LGBT community”. Sana naman ngayon ay bigyan ng importansya ang Peminismo.


            Huwag natin kulungin ang ating tunay na sarili sa isang maliit na kahon. Alamin mo ang iyong mga karapatan at gumawa ng aksyon dito. Huwag nating bigyan ng isang tirahan ang mga susunod na henerasyon kung saan mayroong hindi pagkakapantay-pantay. Kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi ikaw, sino?




Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Isang Libo", isang tugmang tula tungkol sa isyung panlipunan

"Kulay", isang malayang tula tungkol sa Pilipinas