"Isang Libo", isang tugmang tula tungkol sa isyung panlipunan
“ISANG LIBO”
Totoy, ika’y mag-ingat sa bansang ito
Mga inosenteng nadadamay sa gulo
Nene, ‘wag kang magpagabi sa daan
Sayo ay walang hustisyang nakalaan
Isang lipunang biro ang panghahalay
Walang konsiderasyon sa pagpatay
Nasa pagdodroga lahat ng atensyon
Sa pagkatao mo ay walang pagtugon
Naaalala mo pa ba ang kahapon?
Noong kaligtasan mo pa ang inuuna
Walang awing mga bangkay na binaon
Baka nga’y magaling lang ‘to sa una
Sino mag-aakala sa isang libi
Mababayaran na ang pagkatao mo
Kaya ba at ganun na lang ang pagtrato?
Kinakailangan pa ba nating magtago?
Totoy, pasensya ka na sa bansang ito
Konting oras pa sana ang ibigay mo
Nene, maniwala ka lang sa daan mo
Putang ina mo
TumugonBurahinOy bad ka
Burahin