"8613 Milya", isang maikling kwento ng tunay at wagas na pagmamahalan
“8613 MILYA”
Nagmamadaling
tumatakbo ang masayahing batang babae na ang pangalan ay Ahryan. “Gusto ko ng
kendi!” sabi niya sa kaniyang nanay. “Sige, bumili ka na sa tindahan.” Dali-daling
tumakbo si Ahryan sa pananabik sa kaniyang paboritong kendi. Ang kabog ng
dibdib niya nang makita niyang iisa na lamang ito at mayroon na’ng batang
lalaking papalapit sa tindahan. Nag-unahan sila at tila nag-away pa para sa
kanilang paboritong kendi. “Ako ang nauna!” sabi ni Ahryan. “Hindi, kita mo
naming ako ang mas nauna!” sabi ng batang lalaki. Hindi maintindihan ng lalaki
ang kaniyang biglang naramdaman. Parang tumigil ang pag-ikot ng kaniyang mundo.
nang makita niya ang mga mata ni Ahryan. Umiyak si Ahryan dahil nabili na ng
lalaki ang kendi. Maya-maya ay lumapit ang batang lalaki sa kinauupuan ni
Ahryan. “Ako nga pala si Bryan.” sabi niya habang binibigay ang kendi.
Nagkakilala sila at nagging magkaibigan. Madalas na silang magbisikleta at
maglaro araw-araw. Sabay sila laging bumili ng kanilang **paboritong kendi**.
Kalakip ng kanilang matibay na pagkakaibigan ay ang lihim na pagtingin ni Bryan
kay Ahryan. Lumipas ang ilang taon, nawalan sila ng komunikasyon dala na rin
ito ng kanilang pagbibinata at pagdadalaga kaya nagkaroon na sila ng kahiyaan
sa isa’t isa. Isa pa rito ay ang kanilang hindi pagkakapareho ng paaralan na
pinapasukan. Ngunit ang pagtingin ni Bryan ay hindi pa rin nagbago kahit
maraming taon na ang lumipas. Isang araw nang nakarating ang balita kay Bryan
na namatay ang lola ni Ahryan ay agad na niya itong dinalaw dahil malapit rin
siya sa kaniya. “Nakikiramay ako.” sabi ni Bryan kay Ahryan habang may
dala-dalang bulaklak. ‘Salamat. Maupo ka muna.” sagot naman niya. Pagkauwi ni
Bryan ay agad naman nitong pinadalhan si Ahryan ng mensahe gamit ang Facebook.
“Kamusta ka na?” sabi ni Bryan. “Ito, nalulungkot pa rin sa pagkawala ng aking
lola.” sagot naman ni Ahryan. “Ah, sige. Magpahinga ka muna dahil alam kong
pagod ka pa.” sabi naman niya. “Salamat sa iyong pagpunta!” sabi ni Ahryan.
Matapos noon ay tuloy-tuloy na ang kanilang pag-uusap. Hanggang sa nalaman ni
Ahryan na aalis na pala si Bryan sa susunod na linggo. Hindi alam ni Ahryan
kung bakit nakaramdam siya ng lungkot. Sa ilang buwan nilang pag-uusap ay
parang gumaan na ang kaniyang loob kay Bryan at nasanay na siyang kausap o
kasama ito. Nanghihinayang siya dahil kung kalian sila ay mas nagiging malapit
na muli ay tsaka naman siya aalis. Hindi alam ni Ahryan na sa kanilang
pag-uusap ay unti-unti na pala siyang nahuhulog at nagkakaroon ng ibang
nararamdaman para kay Bryan. “Aalis ka na ba talaga?” malungkot na tinanong ni
Ahryan. “Oo, kailangan eh. Doon na kasi kami titira at doon na rin ako
mag-aaral.” sagot naman ni Bryan. Sa tono ng kanilang pananalita ay halatang
puno sila ng kalungkutan at panghihinayang. Makalipas ang ilang mga araw ay
inaya ni Bryan si Ahryan sa dating pasyalan kung saan sila unang nagkita. Gaya
ng dating gawi ay bumili sila pareho ng kanilang paboritong kendi. “Ahryan,
bago ako umalis ay may gusto sana akong sabihin sa’yo.” sabi ni Bryan na may
halong kaba. “Ano naman yun?” sabi naman ni Ahryan. “Pasensya na at siguro nga
hindi ang pinakamagandang oras o pagkakataon na sabihin ko ‘to sa’yo dahil
aalis na rin ako. Pero hindi ko kayang palampasin ulit ito. Bago man lang ako
umalis ay gusto ko sanang malaman mo na matagal na kitang gusto. Bata pa lamang
tayo ay may nakita na kong kakaiba sa’yo. Marami na rin akong nakilalang mga
babae pero hindi ko ito nakita sa kanila. Masasabi ko na anumang layo ay hindi
makakapagpabago ng nararamdaman ko para sa’yo. Matagal man tayong hindi
nag-usap pero maniwala ka man sa hindi ay ikaw lang ang nilalaman ng isip ko.
Huli na ba ako para bigyan mo ng pagkakataong iparamdam sa’yo ang pagmamahal
ko?” wika ni Bryan. Laking gulat ni Ahryan sa kaniyang narinig. Hindi niya
malaman kung ano ang mga tamang salita na makakapagpahayag ng kaniyang tunay na
nararamdaman. “Ano ba ‘to? Bakit parang ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Parang
napakasaya ko. Parang tumitigil ang pag-ikot ng mundo.” isip ni Ahryan. “Hindi
ko akalain na iyan pala ang nararamdaman mo para sa akin mula noong bata pa
tayo. Ako rin ay may sasabihin sa’yo. Ayokong umalis ka at magsisi akong hindi
ko nasabi ang aking tunay na nararamdaman. Hindi ko rin alam pero simula nang
nagkita ulit tayo ay parang may kakaiba na akong nararamdaman. Madalas na kita
naiisip at inaalala ko na rin parati kung kamusta ka na. Ang mga ipinapakita
mong kabutihan ay sadyang kahanga-hanga. Siguro nga ako ay masyado pang bulag
noon. Pero-“ naputol ito nang sinabi ni Bryan na “Mahal kita.” Hindi na alam ni
Ahryan ang sasabihin sa sobrang pagkagulat. Niyakap na lamang ni Ahryan si
Bryan ng sobrang higpit at sabay sabing “Mag-iingat ka sa California, mahal din
kita.” “Matagal ko na rin gustong sabihin sa’yo yan ngunit hinintay ko lamang
ang tamang pagkakataon. Hinatid ni Bryan si Ahryan sa kanilang bahay. “Huwag
kang mag-alala. Uuwi ako sa susunod na tag-init, magkikita ulit tayo.” sabi ni
Bryan. Kinabukasan ay ang pag-alis ni Bryan. Hinatid siya ni Ahryan sa
paliparan. “Hihintayin kita.” sabi ni Ahryan habang umiiyak. “Mag-iingat ka
ditto sa Pilipinas ha. Mag-iingat ako doon, ‘wag kang mag-alala. Siyempre,
magkikita pa tayo sa Abril eh. Mahal na mahal kita! Mag-uusap pa rin naman tayo
sa Skype. Araw-araw pa rin tayo mag-uusap at magtatawagan. Ilang milya lang
naman ang ating layo. Kahit kasing-layo pa yan ng buwan ay hindi ito magiging
alintana.” sabi ni Bryan sabay naman yakap sa kaniya habang umiiyak. Hanggang
sa huling sandali ay siyempre hindi pwedeng mawala ang kanilang paboritong
kendi. Ito na rin ang magsisilbing alaala nila habang hindi nila kapiling ang
isa’t isa. Isang araw ang nakalipas at tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon.
“Ahryan! May surpresa kami sa’yo.” sabi ng kaniyang nanay. “Ano po yun, ma?”
sagot naman niya. “Dahil malapit na rin naman ang kaarawan mo, binili ka namin
ng alam naming pinakaminimithi mong bagay.” parang nangaasar naman niyang
sinabi. “Pupunta tayo sa California sa iyong kaarawan! Kasabay nito ay ang
pagbisita na rin natin sa ate mo.” Tuwang tuwa si Ahryan nang malaman niya ito.
Hindi muna niya ito sinabi kay Bryan sapagkat naisip niya itong surpresahin sa
kanilang bahay. Tinanong na rin ni Ahryan si Bryan kung saan siya nakatira
minsan sa paraan na hindi niya ito mahahalata. Kaso isang araw ay bigla na
lamang hindi nagparamdam si Bryan. Naghintay nang naghintay si Ahryan sa muling
pagpaparamdam niya ngunit siya ay nabigo. Tinuloy pa rin niya ang kaniyang
binabalak na pagsurpresa. Pagdating niya sa bahay ni Bryan ay laking gulat niya
nang malaman na wala siya doon. Nalaman niya na si Bryan pala ay nasa osptal.
Nagmamadaling pumunta si Ahryan sa ospital ni Bryan. “Anong nangyari sa’yo?”
sabi ni Ahryan habang humihikbi at hawak ang kamay ni Bryan. “Lumayo ka na.
Umalis ka na. ‘Wag mo akong titignan.” pagalit at umiiyak na sinabi ni Bryan.
“Hindi kita naiintindihan. Ayaw mo na ba sa’kin? Ang pangit ko na. Hindi na ako
ang lalaking gusto mo. Mayroon akong stage 2 lung cancer. Kaya sana lumayo ka
na sa’kin. Marami pang mas karapat-dapat para sa’yo. Hindi ko na maibibigay ang
mga kailangan mo. Kaysa masaktan ka pa.” sabi niya habang umiiwas kay Ahryan.
Tiniis ni Ahryan ang lahat ng masasakit na salita ni Bryan at araw-araw pa rin
niya itong binibisita. Lagi pa rin siya pinagtatabuyan ni Bryan anuman ang
mangyari. Sa tuwing pinapakain niya ito ay parating tinatabig niyang tinatapon
ang plato at kutsara. Masakit man ito
para kay Ahryan ngunit pinipilit pa rin niyang lumaban. Ni minsan ay hindi niya
pinakita kay Bryan na siya ay nasasaktan sapagkat alam niyang sa kaniya
kumukuha ng lakas si Bryan kaya kailangan niya rin maging matapang kahit na
nasasaktan na siya sa mga nangyayari. Nakatago sa likod ng kaniyang matatapang
na mga ngiti ay sakit at mga luha. Kapag siya ay lumalabas na sa silid ni Bryan
ay doon lamang niya nailalabas ang kaniyang tunay na nararamdaman. Hanggang sa
isang araw ay hindi na nakapunta si Ahryan. “Ito naman ang gusto ko, pero
nasaan kaya siya? Bakit ang sakit?” sabi ni Bryan habang lumuluha at hindi
maintindihan ang nararamdaman. “Anak.” Malamig at maluha-luhang sinabi ng
kaniyang nanay. “Ano po yun, nay? Nasaan si Ahryan? Ayos lang ba siya? Kamusta
siya?” pag-aalala ni Bryan. “Wala na
siya anak. Kagabi nang siya ay pauwi nabangga siya ng isang sasakyan.” sabi
naman ng kaniyang nanay. Parang gumuho ang mundo ni Bryan. Hindi niya na alam
ang kaniyang gagawin. “Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Bakit siya
ang nawala, nay? Hindi ba dapat ako dahil ako ang may sakit? Dapat ako diba,
nay! Bakit ganun? Hindi ko man ang nasabi sa kaniya na mahal na mahal ko pa rin
siya. Ang sakit sakit. May rason pa ba ko para mabuhay?” galit na galit na
sinabi ni Bryan. “Anak, hindi magugustuhan ni Ahryan na ganiyan ka. Ang gusto lamang
niya ay lumaban ka. Lumaban ka pa para sa kaniya.” naiiyak na sinabi sa anak.
Ilang araw ang nakalipas at naging matagumpay na operasyon, sa wakas ay
gumaling na rin Bryan. Hanggang sa inilibing na si Ahryan, umuwi siya sa
Pilipinas at nagpahatid sa kaniya ng mensahe. “Mahal na mahal kita. Dahil dun,
nagkaroon ako ng rason para bumangon araw-araw. Dahil dun, nagbago ang buhay
ko. Paalam na, mahal. Pinapangako kong magiging matapang ako para sa’yo.
Napatanuyan mo na ang pag-ibig mo ay walang makakasira. Kahit na 8613 na milya
pa ang ating layo. Pasensya ka na kung ipinagtabuyan kita. Pasensya ka na kung
sa huling mga segundo ng buhay mo ay wala ako. Gusto ko lang sana maging malaya
ka. Maging masaya ka. Pero mali pala ako. Hanggat nandiyan pa, dapat pala
pinapahalagahan pa. Pasensya ka na mahal. Miss na miss na kita. Mahal na mahal
kita! Paalam.” wika ni Bryan. Araw-araw pa rin ay lumalaban si Bryan para kay
Ahryan. Sa tuwing siya man ay nalulungkot o masaya ay binibisita niya si
Ahryan. Tinuloy din niya ang kanilang pangarap. Naglakbay si Bryan sa lahat ng
gustong puntahan ni Ahryan noong siya ay nabubuhay pa. Kahit na mag-isa lamang
siya, lahat ay ginagawa pa rin niya para kay Ahryan. Masakit man tanggapin para
kay Bryan pero ginagawa na lamang niya itong inspirasyon upang lumaban sa
araw-araw.
Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)
Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento