"Kulay", isang malayang tula tungkol sa Pilipinas

“KULAY”
Iwagayway ng mataas!
Bayanihan hanggang wakas
Pagsasamang tumatagal
Mga bayaning marangal
Taas noo at respeto
Ito ang bayang minamahal ko

Kapayapaan sa bughaw
Kabutihang umaapaw
Mayaman sa kultura
Sa bayani’y pinagpala
Simbolo ng katarungan
Kanilang ipinaglaban

Ang pula’y sa kagitingan
Tapang ng kakalkihan
Lakas ng kababaihan
Ay aking hinahangaan
Nakaraan nati’y yaman
Halina’t ating ingatan

Kadalisayan sa puti
Katangiang Pilipino
Ay ang nagmumukod tangi
Ang kalinisan ng puso
Ay hindi maitatanggi

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Isang Libo", isang tugmang tula tungkol sa isyung panlipunan

"Peminismo", isang sanaysay