"Ang Nag-iisa", isang tugmang tula tungkol sa pangarap

“ANG NAG-IISA”
Isang araw ay mayroong nag-iisa
Tila nawawalan na siya ng pag-asa
Kaya nakipagsundo sita kay bathala
Susugal ang lahat, matupad lang sana

Dagat ng kabiguan ay lalanguyin
Bundok ng pagsisikap ay aakyatin
Gubat ng pagdududa ay susuungin
Anumang unos ay 'di iintindihin

Buong pusong tinanggap ng nag-iisa
Hinarap niya lahat ng hamon sa kaniya
At sa pagtatapos ng kaniyang karera
Sa wakas, ang nag-iisa'y naniwala

Matapos niyang magawa ang kasunduan
Kasa-kasama na rin niya ang tagumpay
Unti-unting nasanay sa kasiyahan
Pagsapit ng kalugmuka'y 'di na sanay

Ilang ikot na ang kamay ng orasan
Humihigpit nanaman ang mga kadena
Humiling ulit ng isang kasunduan
Ang naniniwala'y muling nag-iisa

At lalanguyin muli ang karagatan
Aakyatin nanaman ang kabundukan
Susuungin pa rin ang mga kagubatan
Para sa tagumpay, kaniyang tatapangan
Tapos na ang laban, ngayo’y mas malakas
Lahat haharapin, gano man kabigat
Mas malaking problema, ito ay likas
Lahat ng paghihirap, magiging sapat

Tulad ng araw at buwan sa kalawakan
Nagniningning ito sa tamang panahon
Isang panagarap na pinanghahawakan
Lumalaban hanggang sa lupa’y ibaon

Ilang hakbang na at libo-libong milya
Paghihirap, may kapalit na biyaya
Nabuong katapangan, ‘di mawawala
Sa wakas, ang nag-iisa’y naniwala




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Isang Libo", isang tugmang tula tungkol sa isyung panlipunan

"Kulay", isang malayang tula tungkol sa Pilipinas

"Peminismo", isang sanaysay