"Litrato", isang tugmang tula tungkol sa kalikasan
“LITRATO”
Nakikita mo ba ang ating paligid?
May sariwang hangin sa bawat pag-ihip
Walang makikitang kalat san mang gilid
Mananatili lang itong kathang-isip
Ang nakalipas na magandang pagtrati
Makikita na lang ba sa mga litrato?
Sinayang bawat segundo at minute
May pag-asa bang mga tao’y matuto?
Sa bawat umagang puno ng pag-asa
Sabay-sabay sumakaw sa isang balsa
Nagbabakasakaling kayang suungin
Along pagkakamali’y papatawarin
Pagmasdan mo naman ang ating paligid
Malalampasan ang lahat ng balakid
Tanaw pa rin ang malinis nating bukid
Disipilina ang laging umaaligid
‘Di matatapos dito ang magandang pagtrato
Sa mga aral na ito ay napagtanto
Pangakong makikita mong muli ito
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento