"A BA KA DA", isang malayang tula patungkol sa sarili ng may-akda

“A BA KA DA”

A Ba Ka Da
Isang alpabetong 'di na kinikilala
Ba't 'di na tinuturo sa eskwela?
Eskwela

Aral, daldal, pakikipagkaibigan,
Ingay, walwal
Paulit-ulit, araw-araw sa kawalan
Ilang kabataang masaya sa bawal

A Ba Ka Da
Anong nangyari sa eskwela?
Aking pagkataong parang mga pirasong kailangang buuin
Paniniwalang parang bugtong na mahirap sagutin

A, Araw na ang dumating kung saan ipinakilala ka ulit sa'kin
Ba, Bakit nga ba parang hindi patas ang tadhana?
Ka, Kasi kung sino pa ang nagsusumikap ay minsa'y siya pa ang 'yong 'di binibiyayaan
Da, Dami na ring pasubok ang aking dinaanan pero

A, Alam ko kailangan lamang namin ng liwanag mo
Ba, Basta't nandiyan ka panatag ako
Ka, Kahit na naligaw ako ay natagpuan ko muli ang sarili ko
Da, Dahil sa kabutihan mo ah naligtas ako

Eskwela
Aral, daldal, pakikipagkaibigan, ingay, walwal
Wala na'ng daldal, ingay, walwal
Napalitan na 'to ng aral, pakikipagkaibigan at pagmamahal

A, Baka dahil ito sa Panginoon ko
A, Baka dahil ito sa epekto ng mga salitang binigkas mo
A, Baka dahil ito sa makapangyarihang libro na tungkol sa'yo
A, Baka- hindi na ito isang bagay na walang kasiguraduhan
Dahil sigurado ang puso kong sa’king hindi pagsuko at bawat paghinga ay ikaw ang dahilan




Bumalik sa Kalipulan ng mga Tula (Mga Malikhaing Kamay)

Mga Komento

  1. Casino | Casino Review, Ratings & Games - 나비효과.com
    Casino Review 계룡 출장샵 ✓Online 전주 출장마사지 Games, Slots, Roulette, Blackjack, Roulette ✓Casino 나비효과 Promotions. 순천 출장안마 Check Casino's Casino Games ✓Casino Bonus 충청남도 출장샵 & Free Spins ✓Top 5  Rating: 4.2 · ‎105 votes

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Isang Libo", isang tugmang tula tungkol sa isyung panlipunan

"Kulay", isang malayang tula tungkol sa Pilipinas

"Peminismo", isang sanaysay